Bloody 11
TransfereeNakaupo ako ngayon sa aming classroom at nakatingin lang sa kawalan. It's very boring.
For the past three weeks,wala namang nangyari bukod doon sa mga estudyanteng nagti-training para isabak sa giyera. Yes,sila ang mga the chosen one. Antaray,diba? Mabuti na nga lang at hindi ako kasama sa mga napili,ayaw ko pang mamatay,no! Tsaka,as if naman may kakayahan akong pumatay ng kung sino lang? True that I killed that cyclopes pero may dahilan 'yon. Sobrang galit ang naramdaman ko noon ng makita si Inay na kinulong nila sa hawla. They're so cruel,aren't they? Napairap ako sa kawalan.
Akala ko wala akong matutunan dito sa school,akala ko di nagtuturo ang mga teachers pero mali,nagdi-discuss sila,depende nalang sa'yo kung makikinig ka. And me, being a very good student, siyempre nakikinig ako.
Hindi naman masyadong walanghiya iyong mga tao dito,may respeto din naman sila sa mga teachers. Except lang kay Ms. Dianna,iyong adviser namin. Kapag nagsisimula siyang mag-discuss,nagiging maingay ang lahat. And I really don't know why. Maybe because she's too good. Hindi siya masyadong nagagalit kapag maingay ang klase. Ah, the disadvantage of being too kind to people, pagsasamantalahan nila ang kabaitan mo. Sa sobrang bait mo kasi akala nila ay hindi ka magagalit. Kaya sometimes you need to let the beast inside you.
"Malalim ata ang iniisip mo?" Napahawak ako sa aking dibdib ng biglang sumulpot si First sa tabi ko.
"Wag ka ngang manggulat!" Sigaw ko sa kanya. Para siyang kabute na bigla-bigla nalang sumusulpot.
"I'm sorry." Hinging paumanhin niya. Tss. Hindi ko nalang siya binalingan ng tingin. Naiinis lang ako.
"I thought manonood ka ng soccer kahapon,akala ko talaga papanoorin mo ako,but I was disappointed bigla ka nalang nawala." Nag-pout pa siya pagkatapos. Yucks,mukha siyang duck. Pero ang totoo'y ang cute niya.
"Mukha kang pato." Walang gana kong sabi. Magsasalita pa lamang siya ng dumating na ang aming Teacher. Si Teacher Sally.
Walang bumati kahit niisa,maging ako'y tinatamad tumayo at batiin siya.
Nagsimula na siyang mag-discuss about Greek Mythology,inaantok ako sa subject na ito. Ano bang paki-alam ko sa mga deities? Tss.
Biglang bumukas ang pintuan ng aming classroom.
Iniluwa nun ang isang napaka-gwapong nilalang.
Napuno ng bulungan at tilian ng mga babae ang silid. Maging ako'y gusto ring tumili ay maglupasay sa kilig!Naka-white v-neck t-shirt siya at naka jeans na black.
Ang hot niya kahit sa simpleng suot lang. Nagtagpo ang mga tingin namin.
Nanlambot ang mga tuhod ko sa mata niya. Nakakakilabot, nakakapanindig balahibo, nakaka-inlove.
But his stare seems very familiar.
I guess nakita ko na 'to kung saan pero di ko matandaan. It was tantalizing that I couldn't take my stare off.Naupo siya sa may bakanteng upuan sa kaliwa ko,malapit sa bintana since si First naman ang nago-occupy sa upuan sa kanan ko. Bale,nagigitnaan nila ako.
Rinig na rinig ko ang pagsinghap ng ilan dahil sa ginawa ng lalaki."Ang swerte naman ng transferee na iyan!" Bulong nung isang well,mukha siyang snail. She was obviously referring to me. Nagsinghapan sila at panay pa rin ang pag-uusap kung paano ako ka-swerte dahil nasa gitna ako ng naggwa-gwapuhang mga nilalang. Kasalanan ko bang maging maganda? Ha? Kasalanan ko ba? Gusto ko silang bulyawan pero ayaw ko namang mag-iskandalo kaya inirapan ko na lang.
"Okay,stop it na,balik tayo sa pagdi-discuss." Saway ni Teacher Sally sa kanila na umismid lamang.
Napapikit ako ng may marinig na boses sa aking utak.
"Did you follow my order?"
"Anong order?" I asked sa isipan ko.
Muntik nakong sumigaw ng nagsalita ito ulit."That you shouldn't trust anyone,except for me?"
"I followed. Can I know your name?" Tanong ko. Curious na Curious talaga ako kung sino siya eh! At kung bakit niya nababasa ang laman ng utak ko! Posible ba 'yon? Ito ba ang tinatawag nilang telepathy?
"No." Simple niyang saad na nagpawasak sa natitira kong pag-asa. He's just too mysterious gaya ng lalaking gusto ko.
"Okay,then."
Wala ba talagang pag-asang makilala ko siya? Kahit pangalan niya lamang? Hindi ko ba siya mapapasalamatan man lang sa ginawa niyang pagtulong sa akin nitong nakaraan?
I slouched in my seat kaya napatingin sa aking 'yong lalaking transferee. I arched my brows, tinaas niya rin ang kanya. Ay leche! Bakit ang laswa pakinggan nung 'kanya'. Umiling ako at muntik ng tumawa. Bakit ba ang baliw ko?
"Crazy." Bulong nung transferee at ngumuso,pinipigilan ang pag-ngiti. Umiling ulit ako at nag-focus sa gurong nagdi-discuss sa harap.
Naglalakad ako palabas ng classroom dahil dismissal na,hindi ko mahagilap kung saan nagso-soot yung Tatlong Bibe.
Napahinto ako ng hinarangan ako ni Celyn. Okay? This is new. Ngayon lang ata siya lumapit sa akin simula nung last encounter namin.
Luminga-linga siya sa paligid,sinisiguradong walang estudyanteng makakita sa amin. Baka kidnappin ako ng isang 'to? O baka ipagahasa? Wag naman sana!May inabot siyang sulat sa akin. Nagtataka ko siyang tinignan. Ano naman 'to?
"Basahin mo iyan mamaya,I can't answer all your questions,but it'll help you." Sabi niya bago mabilis na naglakad paalis.
Tinignan ko ang isang yellow pad sa aking kamay.This will help me?