Bloody Nine

3.5K 123 16
                                    


"Wag mo nga akong kulitin!" Sigaw ko ulit kay First ng di niya ako tinantanan sa pangungulit kakatanong kung anong pangalan ko.
Paki niya ba sa pangalan ko? Masyado siyang makulit! Kanina pa ito sunod ng sunod sa akin,pagka-apak ko talaga sa classroom namin,di na niya ako tinigilan!
Nilibot ko ang paningin ko dito sa cafeteria at confirmed! Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Ay mali,siya lang pala ang tinitignan nila. Tss. Edi siya na ang gwapo at inosente.

"Sige na naman uy,sabihin mo na pangalan mo sa akin. Come on!" Maktol niya ulit habang nagsi-sip sa kanyang juice. Hot. Urgh! Ano ba itong iniisip ko?
Nakumpirma ko din kanina lang na hindi siya multo.

"Layuan mo ako! Masamang espiritu ka!" Sigaw ko sa lalaking nakilala ko kahapon bilang First. Bigla nalang siyang sumulpot dito sa may likod ng garden.

"What do you mean by masamang espiritu? Ako?" Inosente niyang tinuro ang kanyang sarili. Hmpp!

"Oo multo ka kasi! Kaya layuan moko! Wala lang mapapala sa akin!tsupi!" Taboy ko sa kanya with matching hand gestures pa.
Humagalpak siya sa tawa. Hawak-hawak niya pa ang kanyang tiyan. Wengya? Nababaliw na ba siya?

Unti-unti akong tumayo at dahan-dahang naglakad.

"S-andali! Haha!" Habol niya sa akin ng bigla akong tumakbo.

"Omygod! Is that First?" Narinig kong sigaw ng babae ng napadaan kami sa soccer field kung saan maraming babae ang nanonood sa laro.

"Anong ginagawa niya dito? And why he's chasing that girl?" Sabi dun ng isa.

Napahinto ako at muntik na akong tumama sa dibdib niya!
Ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin!
Wengya! Nag-iinit ang pisngi ko. Shit.

"Nakikita ka nila?" Tanong ko sa kanya ng makabawi.

"Yeah of course. Hahaha." Tawa niya ulit kaya nainis ako! Nakakainis ang tawa niya!

"My name is too precious for you to know!" I hissed tsaka nagpapanggap na nagbabasa ng libro. Damn him!

"I know you're not reading,come on ano bang mawawala sa'yo kung sasabihin mo lang naman pangalan mo?"

Naiinis akong napabuntong-hininga. Oo nga,ano bang mawawala kapag sinabi ko sa kanya pangalan ko? Tsaka why am I reacting this way sa kanya?
Di ko na alam ang nangyayari sa sarili ko.

"Tss. Promise me tigilan mo na ako kapag nalaman mo na pangalan ko?" Sabi ko ng nakataas ang kilay.

"Hmm.. Let's see." Sabi niya sabay smirk!

"Bahala ka nga. Di ko sasabihin." Binelatan ko siya.

"Damn cute." Sabi niya at kinurot ang magkabila kong pisngi.

"Haruy mashakettt!" Reklamo ko at pinalo palo ang braso niya.
Binitawan niya naman.
Hinimas ko ito at tinignan siya ng masama!

"Chill. Woah" sabi niya sabay taas ng dalawang kamay na para bang sumusuko.

"Ewan ko sa'yo!" Sabi ko at dali-daling iniligpit ang gamit at kumaripas ng takbo.

Napadpad ako sa may bakanteng silid. Madalim dito at oo,nakakatakot.

May naaninag akong nakaupo sa may silya di kalayuan sa kinaroroonan ko.
Humakbang ako papalapit kahit na nangangatog ang aking tuhod.

Bigla siyang tumayo kaya napatalon ako sa gulat.
Unti-unti siyang lumalapit sa akin at ako naman ang humakbang paatras hanggang sa naramdaman ko ang malamig na dingding.
Huhu. Katapusan ko na ba?

Sobrang lapit niya sa akin,naamoy ko ang mabango niyang hininga.
Shit!

"S-ino ka? Ano-ng kailangan mo sa akin?" I tried to calm myself but I can't. Takot na takot ako sa presensya niya pa lang!

"Ich Liebe Dich." Hanudaw?

Bago pa ako makasagot ay may naramdaman akong malambot sa labi ko.
He's kissing me! For Fucking's sake! He is kissing me! Pero hindi ko alam,di ko magalaw ang mga kamay ko para itulak siya.
Itulak mo siya! Iyan ang sinisigaw ng utak ko pero hindi nakiisa ang aking katawan! Damn!

Napapikit nalang ako. He owns my mouth like it is his.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko,kumakabog ng husto ang puso ko.

Minulat ko ang aking mga mata ng wala na akong maramdamang malambot na labi.
Napatingin ako sa pintuan ng silid at nakaawang na iyon,tanda na may lumabas.

That was my first kiss! Bakit hinayaan kong makuha iyon ng estranghero?

Lumapit ako sa may pintuan upang makalabas na pero may napansin akong nagpakabog ng malakas sa dibdib ko.
Ayaw mag-function ng utak ko.

Kinuha ko iyon at tinignan ng maigi.
Hindi ako pwedeng magkamali. Siya lang ang nagmamay-ari nito.

Gintong Maskara.

Bloody CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon