Bloody Thirty-One

2.8K 72 4
                                    

E R I S

"Kamusta ang pag-uusap ninyo ni First?" Tanong ka kay Phoebe habang naglalakad kami patungong classroom.
Kami lang dalawa dahil nauna na kanina pa sila Grace at Channel.
Hindi ko maiwasang hindi mabahala sa pakikitungo sa akin ni Grace,para kasing nagiging cold na siya sa akin,but I shrugged that opinion off. Baka naman may problema lang siya?
Pero kinakausap naman niya sila Phoebe and Channel.

"Oo,napag-usap na kami kahapon,thanks to Mr. Cray" sarcastic ang pagkasabi niya sa huli.

"Mabuti naman." Maikli kong tugon.
Hindi ko alam kung anong meron sa kanila ni Gregory pero hula ko ay magkasintahan sila or what? Hindi naman kasi nagkw-kwento si Phoebe tungkol doon and I don't want to ask too,baka hindi niya gustong i-share iyon sa akin.

"Eris? Hello? Sabi ko papasok na ako." Napakurap-kurap ako dahil sa malakas na boses ni Phoebe. I nodded at pinanood muna siyang pumasok sa kanyang classroom dito sa building One.
Nagpatuloy ako sa paglalakad sa tahimik na hallway ng namataan ko sa di-kalayuan si Celyn na nakangiti sa akin ng malungkot.
  Pero bakit malungkot? Simula noong isang araw na nagka-usap kami hindi na kami nagkikita pa.

Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya,kaya ayon nga ang ginawa ko.

"Eris." Paunang sabi niya bago kami naglakad ng sabay papuntang second floor.
Dalawa ang palapag sa sampung building ng paaralang ito.

"Celyn. It's been a long time,isn't it?"

"I know. I'm worried." Napahinto ako sa sinabi niya kaya siya din. Nandito na kami sa tapat ng aming classroom.

"Oh? Bakit? Saan?" Sunod-sunod kong tanong.

"Sa'yo at sa namamagitan sa inyo ni Mr. Cray."

"A-nong ibig mong sabihin?" Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit masyadong mabilis ang mga pangyayari?"

"Anong pangyayari?"

"Sa inyo ni Mr. Cray,kaka-transfer mo lang,dalawang buwan palang ang nakakalipas yet nahulog ka na sa kanya." Napatakip ako sa bibig dahil sa sinabi niya.
Paano niya nalamang nahuhulog na ang loob ko kay Dark?

"Araw-araw kitang pinagmamasdan,ino-obserbahan." Lumapit pa siya sa akin at bumulong,

"Sa tingin mo ba,the feeling's mutual? Wag kang basta-bastang maniwala sa mga pinapakita ng tao sa iyo dito,you shouldn't trust anybody,even me,you should only trust yourself. This school is full of manipulators and liars,they stick to someone they can use as a bait for their enemies. Be careful,no one will save you." Mahaba niyang paliwanag bago ako iniwan doon na nakatulala.

Ang mga sinabi niya,may punto at totoo. Bakit nga ba ganoon ang trato sa akin ni Dark?
Bigla-bigla nalang siyang sumulpot at nagpahiwatig ng pagkagusto sa akin.
Maaring alam ko ang pangalan niya pero hindi ang pagkatao niya.
Pinapahulog niya lang ba ako sa isang patibong?

"They stick to someone they can use as a bait to their enemies."

Pero ano naman ang makukuha nila sa akin? Sino ang mga kaaway? Ang taga Hell Campus ba?
Urgh! Sumasakit ang ulo ko.

~~
A/N : ito na talaga ang totoong storya. Haha😂😂

Bloody CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon