Bloody Forty-Eight

2.3K 49 22
                                    

Bloody 48
Hell Campus

Dahan-dahang binuksan ni Dark ang isang maliit na pintuan dito pa rin sa loob ng clinic ng headquarters. Nakakapit ako sa kanyang braso ng mahigpit. Pakiramdam ko kasi kapag ganito ako kalapit sa kanya ay walang pwedeng manakit sa akin. I feel so secure when I'm with him this close.

Napanganga ako ng tuluyan kaming napasok sa silid. Amazing! Andaming mga baril, iba't-ibang klase ng patalim,mga pana at espadang naka display!

"Ang bobitang Leticia na 'yon, hindi niya pala napansin na dito natin itinambak ang mga armas?" Nakangiting wika ni Phoebe habang pinaglalandas ang kanyang daliri sa mga armas na naroroon.

"What do you expect? Bobo nga,eh." Komento naman ni Channel na may hawak hawak ng katana.

Dumiretso si Dark papunta sa may parihabang lamesa, may labing dalawang upuan roon.
Umupo siya sa pinakagitna. Kumalas naman ako sa kanyang braso para sana maupo sa tabing upuan ng bigla niya akong hapitin kaya napaupo ako sa gitna ng kanyang mga hita. Nag-iinit ang pisngi ko.

"Dark!" I called. He just give me a soft chuckle.
Tumawa naman si First ng makita ang nangyari. Tinignan ko naman siya ng masama.

"What's the plan?" Tanong ng kakambal ko. Kalmado na siya ngayon,walang mababanaag sa kanyang magandang mukha na emosyon.

"The-" hindi pa natatapos ni Dark ang kanyang sasabihin ng biglang kumalabog ang pintuan ng silid na kinaroroonan namin. Nagkatinginan kaming lahat.

Unang naglakad si Ethan papunta sa nakasarang pinto, sumunod naman kami. I immediately grab a gun bago nagpatuloy sa paglalakad. Ganoon din ang ginawa ng iba. Lumapit ako kay Eli at humawak sa kanyang braso. She looks at me and smiled sadly.

"Kukunin natin si Baby Tris,ate. Ako mismo ang papatay kay Leticia kung may mangyaring masama sa pamangkin ko." Bumuntong hininga ito at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso.

"Sana ligtas siya." 'Yon lang ang sabi niya. I feel pity for my twin. Bakit ang anak niya pa ang pinagtripan ni Leticia?
Mahihinang kalampag ulit ang aming narinig galing sa pinto. Hindi pa rin tumitigil sa pagbubukas ng kung sino man. Natatakot ako pero hindi ko pwedeng ipakita sa kanilang pinaghihinaan na ako ng loob. Kailangan kong magpakatatag kahit sa kaloob-looban ko'y gusto ng sumuko.

Nahagip ni Dark ang akong palapulsuhan at dinala niya ako sa kanyang likod para bang poprotektahan ako sa kung sino o ano man ang nasa labas ng pintuan.
Tinanguan ni Dark si Ethan kaya maingat na binuksan ni Ethan ang pinto.

Nang tuluyan ng mabukas ay dali-daling itinutok ni Ethan ang kanyang espada sa taong nakapasok. Nanlalaki ang aming mga mata ng mapagtanto kung sino ang taong 'yon!

"Celyn!" I called tsaka tumakbo upang daluhan siya. Malamig ang kanyang hubad na katawan at nanghihina siya!

"Anong nangyari sa'yo?" Natatarantang tanong ko, initsahan naman ako ni Ethan ng kanyang jacket upang takpan ang kahubdan ni Celyn. Inilalayan ko siya papunta sa silya at pinaupo. Dali-dali namang pumalibot sa akin sina Grace,Channel at White. Si Gregory at Phoebe naman kasama sila Ethan at Eli ay pumunta sa labas at ni-lock ang pintuan ng headquarters.

"Eris.." Nanghihinang bulong ni Celyn. Hinawakan ko ang kanyang kamay kaya siya nag-angat ng tingin sa akin. Puno ng mga galos ang kanyang mukha at may mga tuyong luha sa kanyang mga mata. Gracious! Anong nangyari sa kanya?

"N-katakas a-ko, they made a clone gamit ako." Kahit nanghihina at putol-putol ay nagawa niya iyong sabihin at klarong-klaro iyon sa pandinig ko. So 'yong Celyn na nakita ko noong isang araw na kasama ng mga lalaking nagtangkang patayin ako ay isang clone? That explains the coldness of her eyes noong nakita ko siya!

Bloody CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon