Bloody Fifteen

3.1K 97 0
                                        

TULALA akong nakatingin kay Grace na nandito sa clinic ng school.
Dinala naman siya dito dahil medyo malaki ang sugat na natamo niya galing sa pana.

"Eris,pwede ba kitang makausap?" Tanong ni Doctor Alexa,kilala ko siya dahil na rin siya ang gumamot sa akin noon. Tumango ako at sinenyasan sila Phoebe at Channel na sa labas lang ako. They nodded kaya sinundan ko si Doctor Alexa sa likod ng clinic.
Malalim na ang gabi at kinakabahan akong baka parusahan kami ng kamatayan dahil lagpas na sa curfew. But may excuse naman kami diba?
Kinakabahan ako. Shit.

"Eris." Panimula ni Doctora,tumingin ako sa kanya.

"Bakit po? Ano pong pag-uusapan natin?"  Pinagmasdan niya ako ng mabuti bago bumuntong hininga.

"Sino ang pumana sa kanya?" Nagdadalawang-isip siya ng itanong niya ito sa akin,halata sa mukha niya ang pagkabalisa,hindi mapakali habang kinakagat ang kuko niya.

"Bakit po?" I asked once again. I just couldn't tell her directly who shot that arrow to Grace. I dunno,something's telling me that I should just keep my mouth shut. Srsly? What's wrong with me? Ano bang masama kung sasabihin ko sa kanya? She's a doctor pero mali naman ata ang pagtanong ng ganun diba? I mean,tatanungin ba talaga ? And why me?
Kahit anong pilit ko wala akong makitang kasagutan.

Tinignan ko siya ulit,namumutla siya habang nakatingin sa may likod ko.

I turned my head and,

"Dark." I whispered,bigla akong sinampal ni Doctor Alexa. What the hell? I didn't see that one coming,nasa harap ko na pala siya at nanlilisik ang mga mata.

"Bullsh*t!" Napamura ako sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin.

"Respect him! Don't call him by his first name you little bitch!" Galit niyang sigaw.

"Is that reason even enough for you to slap me that hard? You fucking Doctor!" Nagulat siya sa biglaang sigaw ko. Ni mama ko hindi ako nagawang pagbuhatan ng kamay pero siya?

"Mas higit pa diyan ang kaparusahan kaya matuto kang rumespeto!"  Parusa? Deym,baka kamatayan din?

Tumikhim si Dark kaya napabaling ang atensyon namin sa kanya. Nakayuko lang si Doctor Alexa but me, I was staring at his tantalizing eyes.
Huhu. Sh*t bat ang gwapo niya kahit nakamaskara? Yung maskara lang na nasa mata? Hindi ko alam kung anong tawag doon eh.

"Bow your head,bitch.", bulong ni Alexa pero di ko siya pinakinggan.

Umangat ang gilid ng labi ni Mr. Cray,he's smirking. Deym so hot.

"May I have a word with you,Ms. Chan?" He coldly asked. Lalong lumamig ang gabi dahil sa kanyang tinig. Pero ako lang ba iyong nabibighani? What am I thinking?
'Eris Dionne Chan,umayos ka'! Sermon ko sa sarili ko.

"Of course,Sire." I bow my head dahil ngayon ko lang napagtantong maaring isa na akong malamig na bangkay kinabukasan dahil hindi ko siya nirespeto.

Naglakad siya papuntang kakahuyan,kaya sinundan ko siya ng walang pag-alinlangan,tinignan ko muna si Alexa na ngayo'y masama ang tingin sa akin. Tss.

"Waaaah. Mr. Cray,where na you ba?" Naiiyak na ako,hindi ko kasi mahagilap si Dark,at ang dilim-dilim dito.
Naririnig ko ang mga tinig ng mga hayop sa di-kalayuan.

Wala akong dalang flashlight,baka matuklaw ako ng ahas. Huhu.
May mga tigre ba dito? Lion? Wolf?
Katapusan ko na ba?

May naramdaman akong malamig na presensya sa gilid ko kaya tinignan ko kung sino ito,

"Dark! Huwaah!" Dali-dali akong lumapit sa kanya at niyakap siya.
Nagtatatalon pa ako sa tuwa. Finally,nandito na siya,nakita ko na siya,pakiramdam ko safe na ako.

Bloody CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon