Magpakaligaw

22.5K 314 42
                                    

Sa sandaling tayo'y magkita,
Sana'y manatili ka
Sabay tayong magpakaligaw,
Kumawala sa gulo ng lipunan,
Hanapin ang mga nawawalang bahagi ng ating sarili,
Aralin ang mga hindi kayang alamin ng isipan
Pakinggan ang bawat tibok ng puso
Magmahal hanggang sa maintindihan
Ang ideya ng pag-ibig
Na pareho nating nakalimutan

Masaktan ng hindi inaasahan
Mga ala-alang naiwan
Pilit binubuhay ang nakaraan
Maghilom hanggang sa matuto magpatawad
Dahil ang pag-ibig ay ang pagtuklas
Mula sa mga naiwang bakas
Kaya't tinahak ko ang ibang landas

Nagpakaligaw ako
Malayo sa gulo,
Malaya sa ingay ng mundo
Sa wakas, nahanap mo ako
Sinagot ng May kapal
Natatanging dasal na hinintay ng kay tagal
At sana tayo naman ang magtagal

Kalimutan ang sakit
Na maaaring idulot ng pagmamahal
Ang pait ng katotoohanang
Baka tayo'y hindi nakalaan
At ang posibleng paglisan

Sakaling makalimot sa dasal
Manatili ka sa tabi ko
Sabay tayong magpaligaw
Magpakalayo mula sa rebolusyong
Binabago ang ikot ng mundo
Nang manatili ang laman ng puso mo

Tayo'y maliligaw
At sandaling tayo'y makabalik
Sa lipunang kailanman ay hindi maintindihan
Hindi na tayo magkakahiwalay
Pinatibay na tayo ng ginawa nating paglalakbay
Itong ating pagmamahal ay inaalay sa May kapal

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon