Pagkakamali
Iyan ang sabi nila
Ang lalake ay para sa babae
Hindi para sa kapwa lalake
At kung ano pang kabaliktarang
Syang pinag-uusapan sa lipunanMali nga ba?
Baka? Siguro
Walang nakakaalam
Batas ng tao
Batas ng lumikha
Minsa'y di na nagkakatugmaPwedeng sumang-ayon
Pwede namang hindi
Pero wala namang ginagawang mali
Nagmamahal lang naman
Pero sa maling kasarian
Pagdurugtong ng mapanghusgang lipunanMaaaring taliwas sa nakasanayan
Maaaring iba sa kinalakihan
Pero mali na sila'y husgahan
Mali ang hindi paggalangIkaw na normal na straight na tao
Matuto kang rumespeto
Sila'y katulad mo ring
Naghahanap ng lugar sa mundoTanggapin
Hindi dahil naririyan na
Tanggapin
Dahil ito'y karapatan nila
Hindi man ayon sa kanya-kanyang paniniwala
Pero iayon ang respetong
Natutunan mula sa bibliya ninyo
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...