Akala ko ay kasama ako
Sa kwentong patuloy mong binubuo
Mga pangarap para sa dalawang tao
At akala ko, ako ang tinutukoy moPaulit-ulit mong ikinukwento
Ang lahat ng mga plano mo
Kasama ang taong mahal mo
At ang tanging hinihiling ko
Ang iyong tinutukoy ay akoNagkamali ako
Umasa ako na posible ang tayo
Pero nauna na pala ang kayo
Bago ko pa man masabi
Na ikaw ang nilalaman nitoWala palang ako sa kwento ninyo
Dahil ang tayo ay tumutukoy lang
Sa pagmamahalan ninyo
Umasa pa naman ako
Na ako ang mamahalin moSana yang salitang kayo
Ay 'di lang puro pangakong
Binitawan mo sa isang tulad kong
Umasang pwedeng maging tayo
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...