Sa muling pagsikat ng araw
Hindi mo na kami masisilayan
Tinatahak mo na ang daan
Patungo sa kapayaan at kaligayahanSana sa huling sandali
Ika'y aming makitang nakangiti
Taliwas sa nakikita naming
Pighati't pagtitiis sayong pananatiliMatagal ka na ring lumalaban
Ayaw ka na naming nahihirapan
Pwede mo na kaming iwanan
At manatili sa Kanyang kaharianHindi na alintana 'yong sakit
Pati na rin 'yong mga luhang kay pait
Kung ang katumbas nito'y iyong muling pag-ngiti
Hindi na pipilitin pang manatili
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...