Kung mahal mo, habulin mo
'Wag mong hintaying bumalik siya sa'yo
Hawakan mo hangga't kaya mo
Huwag mo basta bastang bibitawanKung mahal mo, hilahin mo
'Wag mong hintaying itulak ng hangin
Para lang bumalik siya piling mo
Hatakin mo hangga't kaya moKung mahal mo, ipaglaban mo
Huwag mong hintaying may umagaw
Sa kanya mula sa mga kamay mo
Yakapin mo ng maramdaman niya
Na hindi mo na siya bibitawan paPero kung ilang beses mo na syang hinabol
At ayaw niya pa rin, tama na
Bitaw na sa pagkakahawak sa kamay niya
Palayain mo na sya sa init ng yakap mo
Tigil na sa paghila sa kanyaDahil kung mahal mo, papakawalan mo
'Wag mo ng hintaying wasakin ng tuluyan ang puso mo
Bumitaw ka kasabay ng mga patawad at paalam
Matutong palayain ang sarili
Sa sakit ng pag-iibigang nagdaan
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...