Ang pagmamahal at pananatili
Ay dalawang magkaibang bagay
Maaaring pagmamahal ang dahilan
Kung bakit parating pinipiling manatili
Ngunit pag-ibig ang siya ring dahilan
Nang paglisan ng minamahalHindi sa lahat ng pagkakataon
Magiging sapat ang pag-ibig
Upang panatilihin ang mga bagay na kinagisnan
Hindi lang sa pag-ibig umiikot ang mundo
Hindi lang pananatili ang halaga ng pagmamahal moNagkakamali ka kung iniisip mong
Kayang ayusin mag-isa ng pag-ibig
Ang problemang siya rin ang pinagmulan
Paulit-ulit lang nitong sasaktan ang kanyang minamahalAng dating pag-ibig na nagbibigay laya
Ay naging kadenang gumagapos sa kanyang paanan
Upang siguruhing siya'y nariyan lang
At wala ng maaaring puntahanKung ganito ang ideya mo ng pag-ibig
Wala nang gugustuhing manatili
Tandaan mong mayroong pagtanggap at pagpapatawad
Na nagpapanatili sa pag-ibig at iniibig
At mayroon ding pagpapalaya
Kahit gaano mo kamahal ang isang indibidwalIto ang pagmamahal na kayang sumugal
Kahit na walang kasiguraduhan
Dahil minsan ang magmahal
Ay ang pagiging handang magpalaya
At makita siyang masaya ng hindi ka na kasama
Pagmamahal na hindi kinakailangan ng presensya niya
Magmahal ka at manatiling nagmamahal ng wala siya
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...