Pwede kang umiyak gabi-gabi
Pwede kang maglasing
Pwede kang pumunta kahit saan
Pero huwag mo isawalang bahala
Yung sakit, nandyan pa rin yanPwede kang magtanong
Pero hindi mo mahahanap
Kung alin doon ang sagot
Walang nakakaalam
Tungkol sa sakit
Na dala-dala moPwede nilang sabihing,
"Mag-move on ka"
Na parang napakadali
Ngunit kapag tinanong mo
Na kung papaano iyon
Tanging "ewan ko"
Ang magiging tugonAno nga bang alam nila
Sa sakit na iyong nadarama
Kahit 'di ka na nakakatawa
Walang makapagsasabing
Nasasaktan ka na palaMarami kang pwedeng gawin
Upang yaong sakit ay mawala
Kahit panandalian lang sana
Pero 'yong sagot sa paglimot
Upang mawala na 'yong kirot
Ay napakahirap mahagilapUmiyak ka man gabi-gabi
Habang nagpapakalasing
Hanggang sa naisip mong
Magpakalayo na lang
Puso'y hindi makakalimot
Pero yung sakit na naririyan
Mawawala rin naman yan
Basta't alam mo kung papaano
Magpalaya't magpatawad
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...