Bayan naman

1.7K 16 0
                                    

Ano pa bang laban ang hindi mo pa naharap?
Ano pang pasakit ang hindi mo pa dinanas?
Sa libo-libong digmaang nagdaan,
Alin doon ang hindi mo napagtagumpayan?
Sa libo-libong digmaang nagdaan,
Mayroon ka bang ipinaglaban?

Bakit tila pag-ibig na lang ang nais ipaglaban ng kabataan?
Oo, mahalaga ang pag-ibig
Mahalaga lalo na kung pati kapakanan ng iba ay kabilang
Hindi lang naman pag-ibig ang dapat ipaglaban

Kalayaan, kalayaan mula sa mga mananakop ng bayan
Kalayaan mula sa nangyayaring kaguluhan sa lipunan
Marami nang kinitil na buhay para sa tagumpay
Kaya mo bang pati sarili'y ialay?

Kapayapaan, nais natin ng tahimik na buhay
Wala ng ingay mula sa mga sandatang
Walang ibang ginawa ay pumatay
At ipagkait sa mamamayan ang tahimik na pamumuhay

Hindi ka pa ba nagsasawa sa estado ng bayan?
Hindi ka pa ba nagsasawa sa paulit-ulit na patayan?
Patunayan mo naman na pag-asa ka nitong lipunan
At hindi pabigat sa inyong tahanan

Ilang bayani na rin ang hiniharang
Na ang nais ay pagbabago kaya't sumuong sa labanan
Kung pagbabago rin ang nais mong makamtan
Hindi mo naman kailangan maging bayani para tawaging huwaran
Sumuong ka sa digmaan na bayan naman ang ipaglaban

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon