Ilang digmaan na ang nagdaan
Ilang damdamin na rin ang ipinaglaban
Ngunit iilan pa lang ang napagtagumpayanSa kabila ng pagiging talunan
May mga sundalong nagbibigay kasiyahanSa bawat pagkatalo,
Lalamunin ng lungkot ang puso mo
Ngunit saya'y dulot nila
Hindi lahat natatapos sa iyong pagkatalo
Kaya't huwag mong ikalungkot itoKailangan sumuong sa laban
Ng ika'y may mapagtagumpayan
Hindi alintana ang kabiguan
Sa taong nais lumabanAng mga sundalong nagbibigay ngiti
Ilang beses ding pinatumba sa digmaan
Kaya wala kang dahilan para sumuko na lang
Dahil mas naging mahirap ang mga digmaang
Kanilang pinagdaanan na sa kalauna'y napagtagumpayanIlang beses mang pinatumba
Patuloy bumabangon na may ngiting nakapinta
Patuloy susubok at lalaban
Hanggang digmaa'y mapagtagumpayanSaludo para sa mga taong nakapagbibigay pa ng saya
Sa mga taong patuloy sa pakikidigma
Kahit pa ang mga labanan nila'y napakahirap na
At ngiti nila'y nililisan ang mga mukha nila
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...