Patawad

4.7K 79 4
                                    

Pasensya na kung nadamay ka pa
Sa gulo ng takbo nitong buhay ko
Kahit ilang beses kong subukan
Laging may maling kinalalabasan

Hindi ko na alam
Kung mayroon ka pang dahilan
Para intindihin ang katulad kong
Pati sarili'y hindi maintindihan

Patawad sa lahat ng galit
Na sayo ko naibaling
Pati na rin sa laging pagpilit
Ng mga problema kong
Iyong laging iniintindi

Masyado na atang marami
Ang aking mga pinagsasabi
Kaya naisipan kong tumigil sandali
Baka mauwi sa iyak at paghikbi

Sana'y iyong maintindihan
Ako'y napakahirap pakisamahan
Masyadong maraming pangangailangan
Na hindi natutugunan
Ngunit aking maiintindihan
Kung nais mo akong sukuan
Kaya ko pa rin namang
Tanggapin ang iyong paglisan

Hindi na bago sa akin ang sakit
Sanay na ako sa pait
Kaya't huwag ka ng mag-alala
Kung gusto mo ng maging malaya

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon