Hanggang Kailan

6.9K 142 25
                                    

Hanggang kailan mo kayang manatili
Sa lungkot na dating pag-ibig
Na kailanman ay hindi ka pinili
Dahil mayroon laging kahati?

Hanggang kailan mo patuloy
Susubukan na sya'y balikan?
Kahit ilang beses ka nang pinagtabuyan
At sinabing, "Hindi na kita mahal"

Hanggang kailan mo planong magpakatanga
Sa taong hindi marunong magpahalaga
At iniwan ka na lang na nag-iisa
Iyan ba ang sinasabi mong mahal ka?

Kung mahal ka, nanatili sya
Kung mahal ka, pinili ka sana
Kung mahal ka, binalikan ka nya
Kung mahal ka, hindi sya naghanap ng iba

Ikaw pa lang sana sapat na
Kung hindi sya tumingin sa iba
Pero sana ngayon tumigil ka na
Sa pantasyang kayo'y nakatadhana talaga

Awat na, Ito'y tapos na
Ika'y iniwan at sinukuan na niya
Huwag ka na sanang magpakatanga
Para sa taong pinagpalit ka

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon