Hindi lahat ng kwento sa ilalim ng ulan
Ay puro na lang kalungkutan
Mayroon ding mga kwentong magsisimula pa lang
Sa unang patak ng matinding pagbuhos ng ulanNakita kitang muli sa ilalim ng parehong ulan
Kung saan tayo naghiwalay at nagpaalam
Bumilis ng tibok ng puso ko
Kinakabahan o baka naman nasisiyahan
Alin man sa dalawang iyon
Umaasa pa rin akong bibigyan tayo ng pagkakataonHindi ko mapigilan ang pagtalon ng puso
Sa sandaling nahuli kitang nakatingin
Naghilom na lahat ng sugat na iyong iniwan
Wala na akong maramdaman na sakit
Ng minsan mo akong pinagpalitNakahanap ng daan ang pagpapatawad
Muli ng pinupunan ang mga puwang
Kung saan dating nanahan ang sakit
Mula sa nasirang pag-iibiganKalungkutan man ang parating hatid ng ulan
Mayroon pa ring saya sa bawat lungkot
May paglimot sa lahat ng sakit
May paglaya sa bawat pait
Sa ilalim ng malakas na pagbuhos ng ulan
Muli kitang natagpuan
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...