Nang sinabi kong "tapos na tayo"
Gumuho bigla ang buong mundo ko
Alam kong ayokong matapos
Ang kung ano man na meron tayo
Ayokong matapos ang saya
Na nadadama ko sa tuwing nariyan ka
Ngunit nasabi ko na at wala nang magagawa paKung hindi ko ito ginawa
Iiwan mo akong lumuluha
Hahayaan mo akong magdusa
Para lang maging malaya ka
Kaya inunahan na kitaTinalikuran na kita
Hindi kita nilingon
Dahil baka balikan kita
Baka kapag nilingon pa kita
Humagulgol ako ng iyak
At magmakaawang mahalin mo paNatakot ako lingunin ka
Dahil alam kong mahal pa rin kita
Mahal pa rin kita kahit masakit na
Kaya mas pinili kong talikuran ka na langPero sana nilingon kita
Sana lumingon ako
Para nakita ko man lang
Kung umiyak ka ng sabihin kong
"Tapos na tayo"
Kung nanghinayang ka man lang
Sa ilang taon nating dalawaSana nilingon kita
Para nakita ko man lang
Kung nananahan pa rin
Dyan sa mga mata mo
Ang pagmamahal mo para sa'kin
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...