Sa sandaling tayo'y magkita,
Sana'y manatili ka
Sabay tayong magpakaligaw,
Kumawala sa gulo ng lipunan,
Hanapin ang mga nawawalang bahagi ng ating sarili,
Aralin ang mga hindi kayang alamin ng isipan
Pakinggan ang bawat tibok ng puso
Magmahal hanggang sa maintindihan
Ang ideya ng pag-ibig
Na pareho nating nakalimutanMasaktan ng hindi inaasahan
Mga ala-alang naiwan
Pilit binubuhay ang nakaraan
Maghilom hanggang sa matuto magpatawad
Dahil ang pag-ibig ay ang pagtuklas
Mula sa mga naiwang bakas
Kaya't tinahak ko ang ibang landasNagpakaligaw ako
Malayo sa gulo,
Malaya sa ingay ng mundo
Sa wakas, nahanap mo ako
Sinagot ng May kapal
Natatanging dasal na hinintay ng kay tagal
At sana tayo naman ang magtagalKalimutan ang sakit
Na maaaring idulot ng pagmamahal
Ang pait ng katotoohanang
Baka tayo'y hindi nakalaan
At ang posibleng paglisanSakaling makalimot sa dasal
Manatili ka sa tabi ko
Sabay tayong magpaligaw
Magpakalayo mula sa rebolusyong
Binabago ang ikot ng mundo
Nang manatili ang laman ng puso moTayo'y maliligaw
At sandaling tayo'y makabalik
Sa lipunang kailanman ay hindi maintindihan
Hindi na tayo magkakahiwalay
Pinatibay na tayo ng ginawa nating paglalakbay
Itong ating pagmamahal ay inaalay sa May kapal
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...