Takot ay bumabalot sa nakararami
Sa krisis na kinakaharap ng bayan
May lumalaking puwang na nabubuo
Sa pagitan ng gobyerno't mamamayan nitoPangulo'y sinisi sa nangyayaring gulo
Juan, naririnig mo ba ang sarili mo?
Dumadagdag ka pa gulo ng bayan mo
Isa ka ring Pilipino tulad ng panguloLahat tayo'y nagnanais ng kapayapaan
Sa kabila ng digmaan sa Mindanao
Sana'y manatili ang iisang tinig ng Pilipino
Nang maibalik ang kalayaang ninakawMananatiling asul ang nasa ibabaw
Hangga't nagkakaisa ang mga Pilipino
Ang Pilipinas ay mananatiling malaya
Sa sinong mang nais sakupin itoKaya Juan huwag mo ng sisihin ang iba
Ang mga problema ng bayan
Ay problema ng bawat Pilipino
Huwag ng ilayo ang sarili
Sa kalayaang nais ng bayan moHalina't makiisa ka sa tinig ng pagbabago
Sa tinig na magpapalaya sa'yo
Mula sa mga hinaing ng puso mo
Isang tinig na nagbubuklod sa'ting mga Pilipino
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...