Kung napapagod ka na,
Pwede ka nang sumuko
Kung nahihirapan at naguguluhan na,
Pwede ka nang lumayoKung napapagod ka nang maghintay
Maging malaya kang maglakbay
Ng walang inaantay na kahit na sino
Dahil mas gugustuhin ko ring
Magkita kang malaya't masaya
Kahit pa sa piling ng ibaKung hindi mo na ako kayang intindihin pa
Hindi na kita hahayaang manatili pa
Paulit-ulit akong sinasaktan ng realidad
Na ibinabato sakin ng mundo tungkol sa'yo
Na hindi lang sakin umiikot ang buhay moPasensya ka na dahil lagi akong nasasaktan
Sa mga tingin mo na sana'y mga tinig mo
Pasensya ka na kung hindi sapat ang presensya mo
Upang alisin ang lungkot na dulot moPatawarin mo sana ako kung tinutulak kita palayo
Dahil minsan mas mabuti ng ako ang lumayo
Para hindi na akong muling masaktan pa
At para hindi ka na mahirapan pa
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...