Hindi laging para sa'yo
Pero posibleng mapasa'yo
Pangarap na tagumpay
Sa iilan lang naibibigayHuwag malumbay
Hindi pa tapos ang takbo ng buhay
Ika'y magpatuloy
Hanggang makamit ang tagumpayHindi parating ikaw ang panalo
Dapat mo ring maranasan kung paano matalo
Kung paano matumba
Kahit nasa tuktok ka naMatutong kang bumaba
Mula sa langit na iyong tinatamasa
Ng hindi mawala ang iyong pangarap
Na matagal mo ng hawak-hawakMatuto kang tumulong
Ng hindi mo matagpuan ang sarili sa ilalim ng gulong
At ng hindi ka umuwing nanghihinayang sa hindi mo pagtulongSimulan mo sa pangarap
Sabayan mo ng pagpapakumbaba't tiwala
Hanggang sa pagkakataon na ang mismong lumapit sa'yo
At ihandog ang pangarap na tagumpay na inaasam mo
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...