Kung hindi ka na niya mahal,
Hindi ka na niya mahal
Walang may pakialam
Kung gaano kayo katagalDahil wala yan sa haba
O tagal ng relasyon
Kapag bumitaw na sya
Wala na ang pinagsamahang mga taonAng importante sa ngayon
Kung pano ka babangon
Sa pagkakabagsak mo
Mula sa ereng pinag-iwanan sa'yoNgunit sa kabila ng pagtatapos
Mga tanong ay 'di pa rin maubos
Ang mga bakit at paano
Ang mga sino at anoKapag nasagot nya ba
Ang mga tanong mo
May magbabago ba
Sa estado ng puso mo?Hindi mabubuo ng mga paliwanag niya
Ang mga nagkalat na piraso ng puso mo
Ano mang dahilan ang sabihin niya sa'yo
Tapos na ang dating "kayo"Tinapos na ng "hindi na kita mahal"
Walang kakabit na patawad at paalam
Dahil ang "hindi na kita mahal"
Ay sapat ng dahilan para siya ay kalimutan
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...