Kaya pa ba ng "tayo" noon na maging "tayo" ng ngayon?
Ilang ulit na rin tayong sinubok ng pagkakataon
At ang maibalik ang kahapon ay ang pag-alala
Sa mga sugat na nagdaan at hinilom ng panahonMay mga tanong na maaaring maungkat mula nakaraan
Na posibleng sumira muli o bumuo sa posibleng "tayo"
Kung dulot nito'y paglaya sa pait at sakit
Sana ngayon ang mga tanong ay mabigyang kasagutan
At hindi hayaang itaboy na lang ng pagkakataonKapag sumang-ayon na ang tadhana't panahon
Siguro'y magtatagal na tayo kumpara noon
Mas mahirap man ngayon ngunit ating ipagpapatuloy
Hanggang sa ang agos ng buhay ay tumigil sa pagdaloy
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...