Ilang beses mo mang patunayan
Na dapat na kitang iwanan
Hindi ko piniling lumisan
Dahil baka pagod ka lang
Kaya ka nagkakaganyanKahit muntik-muntikan mo
Na akong sukuan, bitawan
Pinili kitang tulungan
Ganun naman talaga
Kapag tayo'y nagmahal
Kampihan, walang iwanan
Kahit nagkakasakitanHindi ko dinamdam
Lahat ng masasakit
Na salitang binitawan
Na nagmistulang paalam
Aking pinanghawakan
Ang iyong pangakong
Mananatili kailanmanNgunit bakit parang mali
Di ba dapat tayo'y nagpupunyagi
Sa pag-ibig nating nabuhay muli
At hindi sinasayang ang bawat sandali?Bakit ako nag-stay?
Bakit naman hindi?
Mahal kita, mahal mo ko
Teka parang may mali,
Mahal mo pa nga ba ko?Dahil kung hindi,
Pipiliin ko pa ring manatili
Alang-alang sa ating pag-ibig
Na bumubuhay sa bawat sandaliHuwag mo na ulit itanong
Kung bakit ako nanatili
Dahil ang mahal kita
Na nagmumula sa akin
Ay sapat ng maging dahilan
Para ika'y aking ipaglaban
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...