May katapusan pala ang walang hanggan
Pag-ibig na akala ko noong una'y
Handa mo ring ipaglaban
Tumagal ng pansamantala
Kaya kaagad naglaho laht ng bagay
Na naging patungkol sa ating dalawaNoong unang beses mong sinabing "mahal kita"
Alam kong ikaw na talaga
Ngunit hindi siguro sapat ang pagmamahal
Para sabihing, ito talaga ay tatagalNapuno ng away at sigawan
Ang inaasahan kong tahimik na pagmamahalan
Nasasaktan kita
Nasaktan natin ang isa't-isa
Siguro tama na
Nawasak na
Huwag nang piliting ibalik
Wala na tayong dal'waNagmarka na ang sakit
Sa aking mga ala-ala
Maging ang mga sugat
May bakas na sa puso kong
Nawasak na
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...