Pasensya ka na sa aking pagbitaw
Oo, alam ko, nasaktan kita
Pero sana ay maintindihan mo
Nasaktan rin ako sa pagbitaw koSana'y isipin mo din
Nung binitawan ko ang kamay mo
At iniwan kang nag-iisa sa ere
Ay sya ring pagbasak ko sa lupaSana ay maintindihan mo
Nasaktan rin naman ako
Dahil iniwan at binitawan ko
Ang pinakamamahal koNgunit kailangan nating magpaalam
Dahil pareho na tayong nasasaktan
Mahal, hindi sapat ang pagmamahal
Upang tayo ay magsama ng matagalSa mundong ating ginagalawan,
Kung pag-ibig lang ang puhunan
Mahihirapan tayong sumabay
Sa magulong takbo ng buhayKaya sana ako'y iyong maintindihan,
Mahal kita ngunit napakahirap na
Mahal kita pero siguro tama na
Mahal kita at sana ako'y mapatawad mo na
Dahil ako'y hindi na babalik pa
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...