Piraso ng pagkatao mo
Bahagi ng kwento mo
Tira-tirang pagmamahal mo
Iyan ang natanggap koAno pa bang lihim
Ang nakalakip sa pagkatao mo
Na hindi mo masabi-sabi?
Ano pang karakter mo
Ang hindi mo naipapakita sa'kin?
Ano pa ang mga dapat kong katakutan
Sa simula palang ay dapat ko ng nalaman?Tanging pangalan, tirahan
At kung ano pang impormasyon na alam ng karamihan
Ang tanging laman ng iyong pagpapakilalaMay mga bahagi ba sa kwento mo na hindi totoo?
May mga kwento bang dapat malaman ko?
Saan bang parte ng kwento ang ikinakatakot mong mabuko?Hindi ko na alam kung sino ka
Baka wala lang talaga ako alam tungkol sa'yo
At hindi ko magawang makita sa mga mata mo ang tunay na kwento
Ang tunay na damdamin moTira-tirang pagmamahal mo ang natira
Para sa katulad kong umaasa
Baka kulang kulang na pagmamahal ang saki'y nakalaan
At puro sakit ang pinagdaraananPagtiya-tiyagaan ko na lang
Ang mga piraso ng puso mo
Maging ang kakaunting pag-ibig na handog mo
At alagaang minsan lang nadarama ng tulad ko
BINABASA MO ANG
Tula
شِعرWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...