Kung inaakala mong nakalimutan na niya
Ang mga pangakong binitawan niya sa'yo
Sa ilalim ng mga talang walang tigil sa pakinang
Nagkakamali ka
Hindi ganoon kadali natatapos,
O kaya'y nauubos ang pag-ibig
Nananatiling nariyan
Patuloy na lumalabanKung inaakala mong handa na siyang sumuko
Sa kabila ng pagsuong niya sa libo-libong digmaan
Upang ikaw ay mapagtagumpayan
Nagkakamali ka
Hindi ganoon kadali sumuko
Ang taong gustong manatili
Paulit-ulit na tatayo mula sa pagkadapa
Magpapatuloy sa pakikidigmaKung akala mong hanggang dito na lang ang lahat
Na wala ng maaari pang balikan
Dahil sa nasasaktan ka't nahihirapan
Nagkakamali ka
Maling-mali ka
'Yong taong akala mong susuko na
Patuloy pa ring lumalaban
Dahil lang sa mahal ka niya
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...