Kung ika'y babalik sa nakaraan
Doon, iyong matutuklasan
Kung paano nila ipinaglaban
Ang bayan upang makamit
Ang tinatamasa nating kalayaanKung papaano sila sumugal
Alang-alang sa lupang tinubuan
Upang malaya mong maihayag
Ang iyong mga nararamdaman
Ng walang takot at pag-aalanganIyo sanang tandaan, ang mga nagdaan
Ay para lamang sa ating kapakanan
Kaya huwag mo itong isantabi na lang
Gamitin mo ng tama ang kalayaang inilaan
Ng mga sugatan para sa kasalukuyanMaging malaya ka sa lahat ng bagay
Maging sa pagpili mong pagbitaw
Dahil itong kalayaan ay nagbibigay
Ang nagbibigay saysay sa iyong mga desisyon
Tama man o mali sa'yong paninginPalayain mo na ang sarili sa sakit
Mula sa pag-ibig na puno ng pait
Dahil tapos na ang pakikidigma
Para sa pag-ibig na 'di nagkatugma
Oras na para siya'y palayain naMinsan, ito ay tulad ng digmaang nagdaan
Nangangailangan ng sakripisyo upang makamtan
Kasarinlang ipinaglaban para lamang sa sambayanan
Alang-alang sa magiging kasalukuyan ng karamihan
Dahil kung tunay mong minamahal kaya mong pakawalan
BINABASA MO ANG
Tula
شِعرWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...