May kinang sa bawat bituin
May lungkot sa bawat ngiti
May araw sa likod ng mga kulog
May pait sa bawat tamisPilit nakikiisa sa pag-unlad kahiy nais ay pagbagsak
May kalayaang pilit ikinukulong sa hawla
Pilit kinakadena
May mga yamang ibinubulsa para sa pansariling pagtamasa
May kasinungalingan at katotohanang nakalakip sa realidadKatotohanan ba ang nakahain sa'yong realidad
Kaya't tanggap ka na lang ng tanggap?
O baka naman binubusog ka lang nila ng kasinungalingan
Para katotohana'y tuluyan mo nang malimutan?Masyado ng magulo ang sistema
Baka hindi mo alam kung saan dapat mapabilang
Suriin ang iyong kinalalagyan
At alamin ang realidad na nasa 'yong harapan
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...