Darating ang mga unos
Baha, bagyo man kung dumaan
Parang hindi matapos-tapos
Ngunit mayroon kang matatagpuanSa dulo ng pagbuhos ng ulan
May pag-asang naririyan
Pangako mula sa nakaraan
Patuloy nating pinanghahawakanHango sa kwento ng bibliya
Pag-asang mula sa bahaghari
Na nagsisilbing patunay
Sa lahat ng kadakilaan NiyaSa bawat paglabas ng bahaghari
Laging mayroong pag-asang
Mula sa Hari ng mga Hari
Kailanman 'di ka pababayaan
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...