Patimpalak ng ganda at talino
Dalawang bagay na magiging puhunan mo
Kapag pinili mong rumampa patungo sa koronaPabongahan ng kasuotan
Mga gown na ubod ng kinang
Mamamangha ka na lang sa angkin nitong ganda
Pero hindi lang ito tungkol sa suot mo
Kasabay dito ang kakayahan mong dalhin ito
At ibahagi sa madla ang angkin mo ring ganda
Hindi lang ng kasuotan moAralin mo ang mga sasabihin mo
Dahil baka iyan ang ikatalo mo
Hindi lang puro ganda
Ang sagot patungo sa koronaKailangan mo muna makasagot
Habang puro kaba ang nararamdaman mo
At magtiis ganda kahit masakit ang iyong paaMaghanda ka
Magiging madugo ito
Dahil nakakapagod
At nakakawala ng pasensyaMaging handa ka sa pagrampa
Maging sa posibleng pagkatumba
Baka ang koronang inaabot mo ay para sa iba
Pero rampa lang ng rampa hanggang sa nasa iyo na ang korona
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...