Katulad ng mga ibong
Naglalakbay sa hihimpapawid
Tinataboy ng hangin
Hanggang sila'y maihatidMalayang naglalakbay
Sa kabila ng dagok at unos
Mayroong naghihintay
Sa bawat pagtataposMahal, malaya ka na
Tapos na ang kwento nating dalawa
Pinapalaya na kita
Para hindi na magkasakitan paKayang-kaya mo nang abutin
Ang mga pangarap mong
Ako ang naging salarin
Sa hindi mo pagtupad nitoSana'y palayain mo na ang sarili mo
Sa damdaming nagkukulong sayo
Dahil ika'y pinalaya ko na
Sa puso kong dati'y umiibig sayo
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...