Nakalipas

7.4K 124 8
                                    

Makakalimutan ko rin
Ang kwentong sati'y nagpanatili
Kasama ang kilig at
Ngiting di mawala sa isip
Ang saya at kaba
Na di maintindihan pag nariyan ka
Ang mabilis na pagtibok na binabaybay
Ang bawat sulok ng puso kong
Nagbaon ng pag-ibig
Na akala'y ibinalik na sayo

Ngayong malaya na tayo sa isa't isa
Sana'y masaya ka na
Wala ng pag-aalangan
Mga ala-ala na lang na naiwan
At aking itong binabalik-balikan
Dahil hindi ko pa rin alam
Kung pano tayo nauwi sa paalam
Kung dati'y puno naman tayo ng tawanan
Ngunit ito'y nakalipas na
Dapat ng kalimutan
Tapos na ang kwento nating dalawa

Nakalipas na ang panahon nating dal'wa
At siguro, malapit na rin
Malapit na rin ang panahong
Makakalimitan na talaga kita
Unti-unti ko ng nililipat ang mga pahina
Ng kwento kong takot akong buksan
Dahil dati'y ayaw pa kitang pakawalan

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon