Hindi Na

1.5K 24 1
                                    

"Hindi na kita mahal"
Ang ilang taon ay tinuldukan mo sa apat na salita
Hindi ko inakalang isang pala akong parirala
Para tuldukan mo kung kailan mo gusto
Pero salamat na rin ay ito'y iyong pinahaba
Hanggang sa puntong inakala kong walang katapusan

"Hindi"
Hindi na tayo hanggang dulo
Kailanman hindi talaga tayo
Dahil sa simula pa lang
Alam mong tayo'y may katapusan
Pero ako pa rin ay iyong minahal

"Na"
Na sa loob ng mahabang panahon
Ikaw lang ang nilalaman nito
At alam kong ako lang ang laman ng puso mo
Pero bakit? Bakit nagawa mo akong pakawalan?

"Kita"
Parati mong sinasabi na tayo'y magkikita muli
Ngunit ngayo'y nakikita kitang naglalakad palayo
Tinalikuran ang pag-iibigang handog ng kalawakan
Tuluyan ng nakalimutan na ako iyong minamahal

"Mahal"
Mahal pa rin kita
Kahit tapos na ang kwento nating dalawa
Akala ko sapat na ang mga taon para manatili ka
Ngunit kailanman hindi naging sapat ang bilang ng taon
Para siguruhing ako pa rin ang mamahalin mo

"Hindi na kita mahal"
Sa pagitan ng mga salitang ito
Nananahan ang mga katagang
"Sana'y bumalik ka"

"Hindi na kita mahal"
Hindi na pala
Hindi ka na pala babalik pa

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon