Hanggang dulo

1.5K 14 1
                                    

Kapag napagod na sa pagsikat ang araw
At tuluyan na itong lumubog
Hindi kabilang ang liwanag
Na ibinigay mo sa buhay ko
Hindi ang kinang sa mga mata ko
Hindi ang init ng pagmamahal mo
Tanging araw lang ang tuluyang naglaho

Kapag tumigil na sa pag-ikot ang mundo
Mananatili pa rin ako
Mula dito sa kinalaglagyan ko
Sa'yo pa rin iikot ang mundo ko
Mundo lang ang tumigil
At hindi ang tibok ng puso ko

Kapag nawala na ang kinang ng mga bituin
Ikaw pa rin ang talang ibinaba ng kalangitan para sa'kin
Patuloy magniningning
Patuloy magliliwanag sa dilim
Mananatili ang kinang kahit wala na sa kalangitan

Kapag ang lahat ay dumating na sa katapusan
Maaaring matapos ang ating kwento
Pero ikaw pa rin ang mamahalin ko
Ikaw pa rin ang kasama ko
Ang katuwang ko
Ikaw lang hanggang dulo

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon