Sana hindi na bumitaw
Hindi na kumalas pa
Hindi na lumuwag
O kaya'y humigpitTama lang
Sapat para madama ang pagmamahal
Yakap na sana'y araw-araw
Mananatiling nadaramaBakit parang sumisikip?
Hindi ako makahinga
Parang gusto kong kumawala
At tuluyang bumitawBakit parang bumibigat?
Parang nagiging bakal ang pagmamahal
Unti-unting humihigpit
At parang tuluyan akong kinukulongBakit humihigpit?
Natatakot ka na ba na ako'y kumawala
Kaya't yakap mo'y nagmistulang hawla
Na patuloy akong kinukulong sa mga bisig mo?Yaong yakap na dating puno-puno ng pagmamahal
Ay napalitan ng rehas at kadenang ayaw kang pakawalan
Nakakasakal
Kaya gusto ko na lang bumitaw
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...