Magpapakalunod muna
Hindi sa luha kung 'di sa alak
Paunti-unti lang
Baka masobrahan
Mauwi sa iyakanSasabay sa hiyawan
Para maipagsigawang
Patuloy pa ring nasasaktan
Hindi man mapakingganTatahiin ang sariling sugat
Gamit ang musika ng mga banda
Magpapakasasa sa sakit ng mga kantang
Alam na alam mong patungkol sa inyoKahit isang gabi lang
Magpapakabaliw muli
Sa saliw ng musikang
Hindi nagpanatiliMagpapakasaya
Kahit panadalian
Baka makalimutan
Sa pagwawalwal
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...