Sariwa ang hangin
Nababalot ng katahimikan
Ngunit aking damdamin
Ay hindi matahi-tahimikAraw-araw nangungulila
Sa iyong pagkawala
Maghapong nakatulala
Sa kawalang tanging nakikitaDito sa ereng pinag-iwanan
Sarili'y aking natagpuan
Sana may pasabi ka man lang
Para ako'y nakapaghandaTinaas mo ako, napakataas
Hanggang sa 'di mo na maabot
Kaya't iniwan mo ko doon
Pinabayaan at nilimotPababa na ako sa lupa
Ere'y akin ng nililisan
Sa lupa ako'y babagsak
At muling mawawasak
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...