Pumili ka lang
Kahit sinong pwedeng mahalin
Yaong pwede mong maangkin
Kahit ika'y baliktarin
Mahalin mo pa rinBalikan mo
Yung mga pwede pang balikan
Hindi na bale kung tama o mali
Ikaw na ang mag-isip
Sariling kasiyahan mo yan
Kaya bahala ka masaktanWalang nagbibilang
Kung ilang beses kang nasaktan,
Sinaktan at kinalimutan
Sabi nga sa pelikula,
Walang nagbibilang
Kung ilang beses ka nagpakatangaMalaya kang pasayahin
O saktan ang sarili mo
Nasa sa'yo na lang yan
Kung makakaya moHindi ka huhusgahan ng langit
Kung sinong pipiliin mo
Kung sinong babalikan mo
At kung sino kakalimutan mo
Bahala ka sa desisyon mo
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...