Masarap magmahal
Sobrang sarap sa pakiramdam
Nagmamahal at minamahal
Nag-aalala at inaalalaPakiramdam na pilit ninanais
Madama ng karamihan
Ngunit iilan lang ang napagbibigyan
At marami pa rin ang sugatanNgunit kahit paulit-ulit masawi
Ang magmahal ay siya pa ring pinipili
Dahil kailan ba naging maling magmahal
Kung tanging nais lamang nito'y masuklian?Lahat gustong mahalin
Sa paraang sila'y nagmamahal
At maramdaman ang pag-aalaga
Na kanila ring ibinibigay
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...