Sumandal ka lang
Kahit na kailan
Hindi kita pipigilan
Hahayaan lang
Hanggang sa bumuti ang pakiramdamHindi lang sandalan
Para iyong iyakan
Ako ang sandalang
Sayo'y nagmamahalMananatiling nariyan
Babantayan ka lang
Sa bawat lungkot at saya
Mayroon kang masasandalan
Mayroon kang makakapitanSanayin mo na ang sarili
Wala na akong planong lumisan
Mananatiling narito
Ako na minamahal mo
At nagmamahal sa'yo
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...