Dito na nagtatapos
Dito ko na iiwan lahat ng naramdaman
Dito sa pahina ng kwento ko
Kwentong minsang naging tayoPapatayin ko na ang mga ilaw
Hindi na muling sisindihan
Hindi ko na papakinggan
Ang saliw ng musikang patuloy sa'kin nagpapaalalaHindi na ako muling lilingon
Tuluyan na kitang tatalikuran
Papatahanin mag-isa ang aking sarili
Hanggang sa mawala na ang mga bakas ng luhaPapatawarin kita
Patawarin mo rin sana ako
Hindi ko gustong bitawan ka
Sana ganoon ka rin noong unaMagiging masaya ako kahit sino man
Ang pumalit sa dating lugar ko sa'yo
Sana hawakan mo na siya
Ng hindi na makawala paNgingitian na kita sa susunod na tayo'y magkita
Dahil nakalimutan na kita
Wala na yung sakit na akala mong nandyan pa
Pero sa sandaling talikuran muli kita
Hindi na ako lilingon paMalaya ka nang magmahal ng iba
Huwag mo ng ikulong ang sarili
Sa patuloy na pagmamahal sa akin
Angkinin mo na ang iyong kalayaan
Hindi na ako babalik pa
Paalam
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryWattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaa...