- Chapter 35 -

2.7K 182 108
                                    

A/N:
Just wanna share my feels~~ so yun, tinry kong basahin yung One Shot story ni ate Aly na That One Summer and just WOW. I fell inlove with that story. One shot pero tatatak talaga sya. All my respect to ate Aly, ghad! Youre such a good writer! Love yah!

Chapter 35: Family Outing

"Ven.." Kumatok si Cole pinto ng C.R. "Eto na yung napkin mo. With wings na yan.."

Hindi ko man nakikita, ramdam kong ang pula pula ng pisngi ko ngayon. Jusko! Lupa kainin mo na ko! Hiyang hiya kong binuksan yung pinto at kinuha sakanya yung napkin.

"T-thanks.." Sabi ko bago isara yung pinto. Ngumiti sya at tumango. Genuine smile. Wala kang makikitang ilang, mandiri, o hiya sakanya eh. Natural lang.

A man like him please..

Pagkatapos kong magpalit, lumabas nako sa CR at nadatnan ko syang naghihintay sa labas.

"Ihahatid na kita." Cole held his hand. Why so landi Cole? May gf na you, paasa parin is you! De joke ^_^.

"Diba naghihintay satin si Breeze sa icecreaman?" Bago kami maghanap ng CR, sabi ni Breeze mauna na raw sya dun sa pupuntahan namin.

"Hayaan mo sya dun. Hintayin nya yung paskong sinasabi nya. Babanat nalang wala pa sa panahon." Nakakunot noo na sabi nya.

"Eto naman. Edi pinaasa mo yung tao? Wag ganon Cole, masakit kayang umasa." Dyan ka naman magaling. Joke lang~~

"Pinaasa? Hayaan mo na nga lang sya.." Nagdadabog na si pabebe boy. Putcha hahaha!

"Ang sama mo talaga. Bakit ba galit ka sakanya? Okey naman sya ah?" Nasanay narin naman ako sa mga nakakasukang breezy talk at moves nya. As long as wala naman syang ginagawang masama, maayos ang pakikitungo ko sa kanya.

"Masyado syang papansin.." Grabe to hahaha! Baka naman kasi natural na sa kanya yun.

"Bahala ka kung ayaw mo.. Ako gusto kong mag ice-cream eh.." Bumelat ako sakanya at patakbong pumunta sa icecreaman. Sigurado akong sumunod sya kasi may naririnig akong mura ng mura sa likod ko habang tumatakbo rin.

Nung makapunta na ko ron, hinanap ko agad si Breeze at nandun sya sa pinakaharap habang...natutulog?! Ganun bako katagal nagpalit?

"Tss. Kahit sya di nya mahintay yung paskong pinagsasabi nya." Nasa gilid ko na pala si Cole.

"Bakit ba ang bigdeal sayo ng banat nya na yun ha? Inaano ka ba nya? Ikaw ba yung binanatan? Diba dapat ako mas apektado? Adik ka talaga.." Totoo naman eh. Masyado syang badtrip sa sinabi ni Breeze. Kinamot nya lang yung ulo nya at pumunta sa counter.

Pikon.

Pinuntahan ko si Breeze. Nagstay muna ako saglit sa upuan. Mga ilang minuto, tinapik tapik ko na sya. Nung medyo nagising na sya, inayos nya yung sarili nya.

"Sorry sa paghihintay.. Si Cole na nagorder." I said. He flashed his breath-taking smile.

"Sanay naman ako maghintay. Pero para sa'yo okay lang kahit habangbuhay." He winked.

"Matulog ka nalang ulit tapos wag kanang gumising." Bulong sa likod ko. Putspa nasa likod ko na pala si Cole, umusog ako ng konti tapos umupo sya sa tabi ko.

Binigay nya yung strawberry flavor na icecream sakin, tapos binigay yung chocolate kay Breeze.

"Allergic ako sa chocolate pre."

"May allergy karin Breeze?" Di makapaniwala pero namamanghang tanong ko. Woah, parehas kami.

"Destiny~ destiny~ destiny~ pati ba naman sa chocolate parehas kaming may allergy~~" pakanta nyang sabi. Take note his beautiful voice. Tinignan ko si Cole at busy lang sya sa pagkain ng ice cream nya na strawberry flavored din.

She's The Man Hater Since ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon