- Chapter 44 -

1.9K 166 175
                                    

A/N:
Naloka ako sa mga team Jake na naging Team Cole! Hahaha kayo ahh! Di kayo loyal! Lol.

Chapter 44: Kasi

Jake's POV

Grabe, sa susunod hindi na talaga ako iinom. Sobrang sakit ng ulo ko!

Kalalaki kong tao, ang hina ko sa alak.

Bumangon ako kahit na sobrang sakit ng buong katawan ko, at ginawa ang morning routine ko.

Pagkatapos kong maligo, nag beep ang phone ko.

From: Sasha
Nag-enjoy ako kagabi babe. Mwah!

Napakunot ang noo ko. Shit, wala akong maalala! Ang alam ko lang umiinom ako sa bar kagabi! Ano ba tong pinasok ko.

Pagkatapos kong mag-almusal, medyo nahimasmasan na ako kaya pumunta nakong skwelahan.

Dadaan sana ako sa hallway kaso nakita ko si Aki kasama si Cole.

Nakakagago.

Dumiretso ako sa kabilang daan kung saan hindi ko sila makalasalubong. Papasok na sana ako sa room namin pero hinarang ako ni Sasha.

"Sige na nga, sinasagot na kita.." Sabi niya sa akin isinakbit yung kamay niya sa kamay ko.

Pinilit ko itong alisin, pero napatigil ako ng dumaan si Aki na parang invisible kami sa harap niya.

"T-teka. Anong s-sinasagot?" Takang tanong ko kay Sasha nung matanggal ko na ang kamay niya.

Nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan. Pero mas nagulat ako nung nakitingin samin si Aki pagkaupo niya sa pwesto niya.

Shit.

Nilayo ko sakin si Sasha ng sapilitan. "Ano ba?!"

"Don't tell me, hindi mo naalala yung kagabi?"

Ano bang nangyari kagabi?

"Lubayan mo muna ako please.." Tuloy tuloy akong pumasok sa room at pumunta sa pwesto ko.

I badly want to ask Aki kung okay lang ba siya, kung kamusta na siya, kung may masakit ba sakanya, kung may problema ba siya.

Pero ako na mismo ang pumipigil sa sarili ko.

Nakakapagod din pala...

~*~

Heaven Akira's POV

"Beyb.. Sama kana dali, miss ka nani Drew for sure." Ayaw niya kasing sumama sakin ngayong recess.

LQ ata sila. Tagal ba namang di nagparamdam ni Drew.

"Miss? Miss niya lang akong paasahin! Don't me!" Mataray niyang sabi tapos naunang lumabas ng room.

Pero tignan mo nga naman oh, mapaglaro si tadhana. Nagkasalubong silang dalawa at kitang kita ng dalawang mata kong nakasilip dito sa bintana kung pano sila natigilang pareho.

"S-sophiee."

Tinignan ko si beyb at wala lang siyang emosyon. Cold ba.

"Who you? Im sorry I don't talk to strangers." Then tuloy tuloy na siyang umalis. Woah! Beyb nailed it!

Halata sa mukha ni Drew na nasaktan siya, matagal bago siya makarecover. Umiling iling siya at pumasok sa room namin. Napaayos naman ako ng upo dahil baka makita niya na sumisilip ako sa bintana.

She's The Man Hater Since ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon