A/N:
Madami atang nagmisunderstood sa sinabi ni Cole kahapon. It means, sya ang gumamot sa bukol ni Aki kagabi kaya napagod sya at wag nadaw dagdagan.Btw, we have 3 winners po sa pagsagot sa tanong ni Aki! Ayiee nagsona sila huehue. May iba din naman na maikli pero malaman. Sasabihin ko po ung winners in the end of this chapter. So enjoy reading!
Chapter 39: Nine Stars
Heaven Akira's POV
So sya yun? Sya yung dahilan kung bakit parang walang bakas yung nangyari sakin kagabi? Pero bakit? Bakit si Cole?
"Ano na prinsesa ko? Deal is a deal." Jake winked. Ang daya naman eh.
"Madaya ka! Hmmp!" Inisnoban ko si Jake tapos inakbayan naman nya ko. Sabay kaming napatingin kay Cole na bumuntong hininga tapos tumalikod na samin at umalis.
"Biro lang.. Gusto ko kapag naging sakin ka, legal tayong dalawa. Sa magulang mo, at pati narin sa puso mo." He winked. Masama bang timibok sa dalawa ang puso mo? Inform nyo naman ako kung kasalanan yun, paki aresto nako.
Parang di ko kayang saktan ang lalaking to. Iniisip ko palang, parang ako ang nasasaktan.
"Hindi ka nagpasalamat kay Cole, naku." Pangaasar nya pa tapos binatukan ako. Hobby nyang batuk batukan ako eh no -_-.
"Di ko naman alam eh. Ikaw ba alam mo?"
"Oo. Nakita ko sya kahapon, nagkasalubong kami. Papalabas ako ng room nyo habang sya papasok." Eh atleast hindi ko parin alam.
"Di mo naman sinabi."
"Hindi lahat ng bagay pinapaalam. Ikaw, kung hindi ko ba sinabing mahal kita, malalaman mo? Tsk tsk, dapat dama mo na yun." Ayan nanaman sya sa mga hugot nya. Sapakin ko to eh.
"Pero bakit naman nya ko gagamutin?" Kasi ang alam ko, hindi naman nakita ni Cole na nadapa ako and worst nauntog. Tsaka ano bang pake nya diba?
"Kase... Trip nya?" This time, sya naman ang binatukan ko. Adik talaga to.
"Sira ka talaga!"
"Joke lang! Tsaka hinayaan ko na rin sya, alam ko namang wala syang gagawin sainyong masama kahit pumunta sya sa kwarto nyo. May dala syang yelo kaya alam kong para sa bukol mo yun." He smiled. Genuine. Bakit ba lagi nalang si Cole kapag ganong sitwasyon?
Kung si Cole, laging nandyan sa ganong sitwasyon, si Jake naman laging nandyan sa sitwasyong nasasaktan ako dahil kay Cole.
See the difference? Well, that's life.
"May kasalanan ka papala sakin Jake!" Buti naalala ko. Kumunot yung noo nya. "Bakit hindi mo sinabing nakauwi ka na huh? Tsaka.. Hmm. Bakit saktong nandito ka?" Taas kilay kong tanong sakanya.
Nagulat ata sya tanong ko kaya medyo tumahimik sya. Ibubuka nya na sana yung bibig nya para magsalita pero sinara nya ulit na parang nagaalinlangan sya kung saan magsisimula.
"Tsk. Eto nalang, kelan ka pa nakauwi?" I asked. Huminga sya ng malalim.
"Yung araw din ng pagpunta nyo dito." Hmmm. Tumango tango ako.
"Bakit ka dito dumiretso?" Hot seat ka ngayon! Kahit na di kame nakaupo. Napansin ko rin na pakunti nalang ng pakonti yung mga tao, alas otso na siguro.
"Basta... I can't believe. Nakalimutan mo.." Sabi nya habang malungkot at...
NAG WALK OUT?!!! ABA! WAG NYAKONG MAIWAN IWAN DITO!! ANO BA KASING NAKALIMUTAN KO?!
"O-oy! J-jake!" Hindi nya ko pinansin at tuloy tuloy lang syang naglakad. So iiwan nya lang ako dito? Dahil lang sa may nakalimutan ako?
So unreasonable of you.
BINABASA MO ANG
She's The Man Hater Since Then
Teen FictionHIGHEST RANK REACHED: #41 in TEEN FICTION Broken by ONE, now hates EVERYONE. One thing about me? I. HATE. BOYS No Boys No Problems Maybe other thinks, they can't live without boys. But me? I can't live when there are boys. Maybe Gays. But not...