- Chapter 36 -

2.7K 179 105
                                    

Chapter 36: His Comeback

Ps: Beach po yung pinuntahan ha. Hindi po swimming pool.

~*~

"Ay pak! Shutabells! Sana pala nagdala ako ng longsleeve mo para hindi mo ko natatalbugan!" Hindi ko alam kung puri ba yun o ano pero napatawa nalang ako sa sinabi ni beyb.

Yess.. Katulad ng iniisip nyo, Im now wearing red two piece bikini with matching messy bun hairstyle with shades.

"Kahit maghubad ka beyb, mas maganda parin talaga ako.." Teasing her is lifeu haha! Buti nalang kahit papano may dala syang blazer kaya hiniram ko muna. Kahit konti atleast may takip.

"Bakit mo naman nasabi? Waley nga yang beauty mo sa beauty ko eh!" Yan napo. Napipikon napo sya hahaha! Mas inisin pa natin.

"Syempre flat ka." Walang ganang sabi ko.

Nanlaki yung mata nya at agad na tinakpan yung dibdib nya na kala mo mamanyakin ko sya. Langya.

"Hoyy! Hindi porket malaki yung sayo, sasabihin mo na yan! Tandaan mo, hindi basehan ang laki kung gaano ka kaganda!! Litsi to." Satsat nya. Tawa lang ako ng tawa and that's making her more angry.

Biglang nagring yung phone ni beyb kaya sinagot nya ito..

"Oh? Papunta na.. Oo.. Nakatwopiece bikini na sya.. Oo nga kulet.. Aba! Bat ka sumisigaw?.. Huh?? E wala na syang ibang dalang swimwear eh.. Pake mo ba? Tse! Oo na lalabas na!" Agad nyang binitbit yung sided bag nya at shades nya..

"Sinong tumawag?"

"Fafa Cole.. Lumabas na daw tayo, naghihintay sila sa pinakunang cottage daw.." Lalabas na sana sya pero pinigilan ko sya. Lalabas sya ng ganyang suot? Ano yun ilalabandara mo yung katawan mo? Kung sabagay yung iba nga halos wala ng saplot.

"Lalabas talaga tayo ng nakaganto?" Di kasi talaga ako kumportable, pero tutal nakagayak nalang din, edi panindigan na.

Bigla syang pumunta sa kama at kinuha yung kumot tapos hinagis sakin. "Anong gagawin ko dito?"

"Ipangtakip mo sa katawan mo! Yan naman yung gusto mo diba? Yung mukha kang tanga!" Makasigaw naman wagas! Dinibdib nya ata masyado yung sinabi ko kanina hahaha!

Tuloy tuloy syang lumabas at sumunod ako dala dala yung bag at kumot. Nilock nya na rin yung room namin. Serious mode kuno sya ngayon. Lol.

"Easy lang beyb.. Nahuhulog yung bra oh, walang kinakapitan." Pang-aasar ko pa. Wahaha! Tiger mode on!

She remained silent. Galit na nga sya. Sumunod lang ako sakanya palabas habang nakapalupot sakin yung kumot. Manipis lang naman kaya, mapagtyatyagaan na.

Hanggang sa makapunta kami sa labas, pinagtitinginan kami ng mga lalaki. Dahil siguro mukha akong tanga -_-. Nakakumot ba naman ang lola nyo! Anong sayyy?

Hinanap namin yung cottage kung nasaan sila Papa. Nakita ko si ate, kaya tinuro ko kay beyb. Pumunta kami run, and yeah nandun nga sila..

"Ohh you're here." Hinila ako ni Papa at pinakita sa isang matandang lalaki at sa isang gwapong binata. His son maybe. "Anak, tanggalin mo nga yang kumot. Anong pinaggagawa mo sa sarili mo." Sabi ni Papa sakin.

Pagalitan daw ba ako sa harap ng kasosyo nya sa negosyo -_-. Napatingin ako dun sa lalaki, and he's smiling like an idiot -_-. Gwapo sana muka lang manloloko.

Just like, really Aki? Sino bang lalaki ang hindi manloloko para sayo? Lol.

"Pa, hindi ako kumportable."

She's The Man Hater Since ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon