- Chapter 49 -

1.8K 119 110
                                    

Chapter 49: Misunderstanding

Heaven Akira's POV

Hindi ako makapaniwala sa hinihiling ni ate sakin ngayon.

"You need Cole? You need Cole pero niloko mo? Sinong tanga? Tapos hihingi ka ng tulong sakin? No way!" Sigaw ko sakanya.

"Please Aki.. Sorry for being rude but I love him.. I can explain."

"Explain? Sa tingin mo may ka explain explain sa ginawa mo? Tigilan mo ko ate. Hindi ako naaawa sayo."

Nagulat ako ng sampalin nya ako.

"Ang kapal ng mukha mo! Wala kang alam!" Sigaw nya at tinignan ako ng nanlilisik ang mata.

Napahawak ako sa pisngi kong sinampal nya at tinignan sya ng masama. "Ako pa makapal ang mukha? Hindi ba ikaw? Kasi pagkatapos mo syang lokohin heto ka ngayon maghahabol habol? Ha! Makapal na nga mukha mo, desperada kapa!"

Napapikit nalang ako ng sampalin nya ang kabila ko namang pisngi. "Bakit mo sinasabi yan ha?! Bakit?! Wala kang kwenta!"

Hindi ako tanga para sundin ang hiling nyang tulungan sya. Mapagparaya ako pero nasa lugar.

"Tumigil ka na ate.."

"Eto ang tatandaan mo, mahal nya ako! Mahal nya ako! Ako lang! Ako lang! Kaya kung mahal mo narin sya, sinasabi ko sayo gagawin kalang nyang panakip butas kasi AKO ang mahal ni Cole!" Sigaw pa nya.

~*~

Jake's POV

"Sige ma bibili ako hintayin mo lang ako," paalam ko kay Mama. Gusto nya daw kasi ng Pizza. Ewan pero nagc-crave daw sya.

Sumakay ako agad sa motor at naghelmet. Tumigil ako at pinark ang motor ko sa tapat ng Pizza House.

"Eeeeeeh! Di ba pwede ng extra toppings? Pleaseeeeeee!"

Napakunot ang noo ko dahil ang ingay pagpasok ko sa Pizza House.

Napatingin naman ako sa counter at may isang babae dun na nagtatantrums at yung mga nasa cashier naman e kinakamot ang batok nila.

Lunapit narin ako dahil oorder ako.

"Pleaseee naman! E sa wala napo akong 50 pesos para sa extra toppings eh." Halos mangiyak ngiyak na sya kaya naman napalingon ako sakanya.

Jesus Christ.

Kaya naman pala makapal ang mukha, si Yumi! Sorry for the bad term tho.

Tumikhim ako kaya napatingin sila sakin. Nanlaki ang mata ni Yumi at nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.

Nagulat tuloy yung tao sa cashier, babae sya tapos maganda na petite. Kaso turn off agad dahil halata ang pagpapacute nya. Tsk.

"Y-yumi ano ba," pilit kong inaalis ang pagkakayakap nya.

"Ahm miss dimo naman sinabi na para sa lalaking yan yung pizza! Don't worry lalagyan ko na ng extra toppings." Sabi nung nasa cashier kay Yumi kaya napabitaw sakin si Yumi.

"Talaga?!"

"Yes Maam. Basta para sakanya." Turo sakin sabay kindat.

Pwede magsuka?

"Omg thank you!" Sabi ni Yumi sa babae tapos ay isinakbit ang kamay nya sa braso ko. "Pakidamihan yung cheese ha? Gusto kasi ng husband ko yung macheese."

Damn.

"What the hell?!" Inis na bulong ko sakanya.

"Makisakay ka nalang! Palasamat ka nashort ako ngayon sa pera pero babawi ako." Sagot nya at mas hinigpitan ang pagkakasakbit ng kamay nya sa braso ko.

She's The Man Hater Since ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon