Steven Cole's POV
Halos hindi nako kumurap habang pinapanood ang pagikot ng kamay ng relo ko.
10..9..8..7..6..5..4..3..2..1..
6 o'clock na! Nasaan na kaya yung mahal ko?
Bigla namang nagvibrate ang phone ko kaya chineck ko. Napangiti naman ako sa nabasa ko.
From: Ven Ko
I love youAba't sakto pang ala-sais ang text nya ah! Pampaswerte ba yun? Papayagan nya kaya akong manligaw? Matutuwa kaya sa sa ginawa ko?
Nilibot ko ang tingin ko dito sa buong simbahan. Balang araw, ikakasal rin kami dito.
Ang dami kong kinausap para lang magamit sa surprise ko ang simbahang to. Lahat na organize ko na. Sa dingding, nakasabit sa crepe paper yung mga stolen pictures ni Ven na kuha ko.
Sa kaliwat kanan na gilid naman ng red carpet, mga kandila na iba't ibang kulay na ibat iba rin ang kahulugan. Kung gaano kahaba ang red carpet, ganun rin kahaba ang message/letter ko sakanya na sinulat ko talaga sa kartolina at pinagdikit dikit ko.
Bali 20 pieces na malaking kartolina ang pinagdikit dikit ko at nilatag ko sa readcarpet. Kung nagtataka kayo dahil napuno ko yun ng sulat, well ganun ata talaga kapag inlove.
Syempre di mawawala yung bulaklak. Sa entrance, binudburan ko ng rose petals. Nagpalagay din ako ng dim lights dito sa simbahan habang may tumutugtog na slow song. Nakasara lahat ng binta pero nagbibigay ilaw ang mga kandila at dim lights..
Ang ganda lang tignan kasi ang ganda ng effects ng ilaw sa mga nakasabit na pictures ni Ven.. Sana wag umulan kundi masisira yung sa likod nitong simbahan.
Kung ano yon? Secreeeettt!
"Pare ano! Nasan na ba si Akira?! Ang hirap kaya maghawak ng projector!" Sigaw ni Drew na nakatago dun sa likod. May video kasi akong ipapalabas mamaya eh. Gawa korin yun. Ang tagahawak ng projector si Drew.
"Wait lang.. Tatawagan ko." Dinial ko yung number ni Ven pero nagriring lang.
Papunta na kaya sya?
Dinial ko ng dinial yung number nya pero walang sumasagot. Dun nako nag-umpisang kabahan.
"Brad di sumasagot." Hindi ko alam kung anong iisipin ko.
Naghintay pako..
Hanggang sa maubos ang mga kandila, wala..walang Ven na dumating.
Tumakbo ako palabas ng simbahan kahit na natapakan ko na yung sulat ko na nasa kartolina. Pumasok agad ako sa kotse ko at pinaharurot papunta sa bahay nila Ven.
Hindi ko makuhang magalit eh.. May iba akong nararamdaman.. Tumingin ako sa relo ko at 7:30 na.
Sana nasa bahay nya lang sya.. Promise hindi ako magagalit sakanya. Basta nasa bahay nya lang sya, kahit di sya sumipot okay lang. Basta ligtas sya.
Pero dito palang sa kotse ko, kita ko na walang tao sa bahay nya. Wala rin yung kotse nya.
Hindi ko alam pero kinabahan ako nung tumunog ang cellphone ko.
Ven Ko Calling...
Mas kinabahan ako ng mabasa ang pangalan nya. Bakit? Diba dapat masaya ako?
Kahit kinakabahan ako sa di malamang dahilan, sinagot ko parin.
[Hello?]
Hindi boses nya ang narinig ko.
[Are you related to Ms. Heaven Akira Smith?]
Hindi ako makasagot. Hirap na hirap kong ibuka ang bibig ko.
BINABASA MO ANG
She's The Man Hater Since Then
Fiksi RemajaHIGHEST RANK REACHED: #41 in TEEN FICTION Broken by ONE, now hates EVERYONE. One thing about me? I. HATE. BOYS No Boys No Problems Maybe other thinks, they can't live without boys. But me? I can't live when there are boys. Maybe Gays. But not...